Wednesdays & Rain
Papasok pa lang ako ng school,
putikan na ang uniform kong puti
(bakit kasi puti?
nagpuputi-putian lang naman)
Maaga ang uwian;
at sa jeep
binabaha ako
ng pagdadalawang-isip
pag-aalilangan
at pag-aalala
Ngayon kaya'y nilalamig ka?
nagtatampo?
o di kaya'y basa?
Dapat ngayon ay kasama kita
at tatalunin ng mga yakap
ang anumang lamig.
Ang lakas-lakas ng ulan...
Pagbaba ko ng jeep, inanod
ang lahat ng tapang ko.
Kaya umuwi na lang ako.
Ang lakas-lakas ng ulan...
Kahit sa loob ng bahay
binabagyo ang isip ko.
Bakit ako nagpaanod sa takot?
Ulan lang naman 'yan.
Ang lakas-lakas ng ulan...
Kahit saan tumingin
malamig, malagim at basa.
Sa lakas ng ulan,
pati mga mata ko nababasa.
* this is something from way back 2003
0 Comments:
Post a Comment
<< Home