Saturday, June 24, 2006

Dumadaloy ang Wika

Iniluluha ng langit pabagsak sa
Lupang iniimbak at dinadalisay ang
bawat salita ay patak,
bawat pangungusap ay batis,
bawat tula ay ilog
na bumbuhos sa dagat
na nag-uugnay sa ating
mga kaluluwa...
ay aking nasilip sa gitna ng lawa:
ako, ikaw o kaya'y kata...
ay nakukubli rin sa kailaliman
ng laot ng kasinungalingan.
Tagong perlas, putik at pangarap
sa ilalim ng unos at panatag
ng nagdadalagang dila't pluma.
Nagdadalaga'y tumatanda
Sa habang panaho'y humihinog,
Hinog; at ang katas ay nasa
ating tinta
ating bibig
ating dugo
ating langit.

-2003-

0 Comments:

Post a Comment

<< Home